Blog Feed

Po/ok-/sa/pot

Isang lugar sa World Wide web na binubuo nang ibat ibat impormasyon patungkol sa tao, lugar, organisasyon at iba pa. Maaari kang pumili ng ibat ibang Theme, Style at template Upang mapaganda ang nasabi mong pook-sapot.

Halimbawa:

” Ang FHM.com.ph ay isang halimbawa ng pook-sapot.”

Pook-sapot

Ka/gaw

Mikroorganismong karaniwang nagdudulot ng karamdaman at nakikíta lámang sa pamamagitan ng mikroskopyo

Halimbawa:

” Wag mong isubo ang nalaglag na pagkain, marami ng kagaw iyan!”

Me/lo/ko/ton

Isang bilog na prutas na may matamis na dilaw na laman na may maraming katas, isang medyo mabalahibo na pula at dilaw na balat, at isang malaking binhi sa gitna nito .

Halimbawa:

“Napakasarap ng biniling melokoton ng aking ina sa palengke.”


Mik/ti/nig

Isang instrumento na nagpapalakas ng mga tunog, kadalasang ginamit upang mag padala o mag record ng mga tunog

Halimbawa:

“Ang mga mang-aawit ay gumagamit ng miktinig para marinig ang kanilang boses.”

Miktinig